Relationships

Ako si Brian

Ako si Brian
matalinong bata..
umiihi sa kama..
ninja moves sa chikas..

FB_IMG_1450454497120.jpg
mahilig manuod ng movies.. Aldub fan din..
nagseselfie at video kasama mga toys na mini..

FB_IMG_1450412332762

Kailangan ko iwan pansamantala ang aking pamilya..
Aantayin ko na lang ang aming muling pagsasama..

FB_IMG_1453092357056

Ang Mama ko?
Mahal na mahal ko siya.
Lahat ng gusto ko ay naibigay niya.

Screenshot_2015-12-19-00-04-28-1.png
Napakasarap niya magluto.
Pati pagbi-bake, siya ay natuto.
Ayokong nasasaktan ang Mama ko.
Kaya sa aking pagalis.. gusto ko nakangiti lang ito.

Screenshot_2015-12-19-00-04-38-1.png

Si Papa ko ang lagi kong kalaro.
Ang kakulitan ko ay sa kanya hango.
Binibigay niya ang aking mga hiling.

FB_IMG_1450453023955.jpg
Pati huling letratong kumpleto, pumayag na rin.
Hindi man siya perpekto, siya’y mahal ko.
Kaya miss ko siya pag nakasakay sa barko.

FB_IMG_1450453334224

Ang Ate Ekang ko..
kinukulit ko lagi..

FB_IMG_1450454209666.jpg
Siya ang may alam ng gawain ko parati.
Laging may pasalubong kahit ako’y bossy..
Dahil alam kong mahal niya akong tangi.

FB_IMG_1450453887796.jpg

Ang aking Mommy Tess ay paborito ako.
Pag miss ko na siya, tatawag lang ako.
Pag nasa Bayani, lagi ko siyang katabi matulog. Pag-aalaga niya ay sadyang lubos.

FB_IMG_1450412581710
Ayaw na ayaw niyang nahihirapan ako.
Ayaw niya ding nasasaktan ako. Huwag mong susubukan. Aba lagot!
Kung sakali, siya ang makakalaban mo.

FB_IMG_1450455581161.jpg

Si Daddy Bao ang aking kakampi.
Pag nasa Bayani siya,
ako ay dali dali.

FB_IMG_1450455490038
Madami akong pasalubong galing kay Daddy. Mga magic at jokes niya, napapatawa kami parati. Kahit na malayo, tinatawagan niya ako lagi.

FB_IMG_1450454081718.jpg

Si Nanay at Tatay..
Ako ay minahal.
Binibigay lahat ng kaya nilang ibigay. Salamat sa inyong pag-aaruga, ako ay lumaking sagana sa lahat.

FB_IMG_1450453487017

Ang aking Tito Rogie,
Kalaro kong lagi. Makulit man ako, nasa kwarto nila ako parati.

Screenshot_2015-12-19-01-53-58-1.png
Pati si Ninang Reggie,
Maganda ang bigay lagi. Ang aming mga tawa ang maririnig mong tinig.

FB_IMG_1450456177419

Ang aking Ninong Jannus at Tita Japs, pinagpractice-an pa ako.
Ako ang una nilang baby bago pa kay Seth at Dom.

FB_IMG_1450410958693.jpg
Mga laruan ni Tito pinalaro niya ako. Salamat na lang at di na siya madamot..
Kami ni Tita Japs nahilig kay Spongebob. Sabay na dilat hanggang madaling araw.

FB_IMG_1450410269741.jpg

Mga pinsan kong mahal ay napakadami..
Ang aking kuya PV ay dinadalaw ako parati.

FB_IMG_1450454061953.jpg
Kalaro at kakulitan ko naman si Athena at Patty. Ang aking mga pinsang magagandang babae.

FB_IMG_1450410266291.jpg

Si Dominic phone pal ko nuon pa man. Lagi ko siyang ka-akbay, sa letrato man o kainan.
Si Seth ay kaholding hands ko pa lamang.

FB_IMG_1450412403767.jpg

Si Granny Phu ay lagi kong kakwentuhan..
Kala ata nito, ako ay kaedad niya lamang..
Mga jokes niya.. bentang benta.
Kaya kayong mga pinsan ko.. tawanan niyo lang siya para makalimutan niya ang kanyang problema..

FB_IMG_1450412254309

Para sa iba ko pang mga lola, kalaro, kaklase, tito at tita..

20150405_185943
Lahat kayo ay aking mami-miss.
Aking pasasalamat ay namumutawi.

FB_IMG_1450454440681.jpg

Lumaki akong di salat sa pag-ibig.
Ang sandaling buhay ko sa mundo ay masayang labis.

Isipin niyo na lang na ako’y tulog lamang, nagpapahinga muna kasama ang Maykapal. Ako ay manunuod sa inyong mga gawain, sasabay sa mga halakhak at lungkot niyo din.

FB_IMG_1450454146298.jpg

Ako si Brian,
mahilig ako mangolekta ng laruan, magvideo at maglaro online.

FB_IMG_1450454513800.jpg

Salamat sa sandaling taon na kayo’y aking nakasama. Ako ay inyong tunay na pinasaya. Ang aking papel sa mundo ay nagawa ko na. Huwag kayong mag-alala ako ay masaya na.

FB_IMG_1450454462601.jpg

Salamat sa laruan.. sa kasiyahan at sa memorya..
Salamat sa atensyon, sa oras at pag-aaruga.

FB_IMG_1450455447729.jpg
Salamat sa pagmamahal, panalangin at kasiyahan.
Lahat ng iyan ay baon ko sa kalangitan.

FB_IMG_1450454192299.jpg

Hindi man ako nakapagaral nang matagal.
Ang makasama ko kayo ay sapat nang aral.
Nawa ang aking buhay ay inyo ding maging aral.
Na ang buhay ay puno ng pagsubok lamang..

FB_IMG_1450454247703.jpg
Kung ang batang paslit na gaya ko ay nalagpasan ang hirap..
Ano pa kaya ikaw na malakas at kayang magsikap. Sa bawat pagsubok, ngumiti ka lamang. Huwag kalimutang Diyos ang unang lapitan.

FB_IMG_1450453050613

Kayong buhay pa..
Laging magsama-sama.
Oras ay pahalagahan habang nabubuhay pa.

FB_IMG_1450412427985.jpg
Wag antaying mahuli at mawalan ng tiyansa na ipadama ang pagmamahal sa kapamilya.

FB_IMG_1450455338999.jpg

Huwag kayong malungkot sa aking pagpanaw.
Memorya ninyong lahat ang baon ko sa kabilang buhay.

FB_IMG_1450412550876.jpg

Hangad ko ang kasiyahan ninyong lahat.
Mas maging malakas sa laban ng buhay.
Kumapit sa Diyos at ako ay magaantay lamang..

Screenshot_2015-12-19-01-58-07-1.png

Sa muli nating pagkikita..
Tiyak mahigpit ang ating yakap.

FB_IMG_1450455961331.jpg

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s